Mayroon din tayong mapapansing pangunahing paraan ng pagpapayaman ng talasalitaan ng ating wika sa pana-panahon.
Nag umpisa ito ng panahon ng mga Espanyol, na pinayaman ang ating wika sa pamamagitan ng pagpapahiram ng daan-daang mga salita sa atin na naka dagdag s ating kaalaman sa wika. Gaya ng mga salitang "kandila", "pari" at "kampana" na naisakatutubo. Ngunit mayroong salitang Espanyol na mahirap bigkasin kagaya ng "manco" na ginawang "komang".
Pagdating ng ika-20 siglo, nagsikap ang mga tagapagsalita nga maglikha ng mga salita kaysa manghiram. Halimbawa ng mga salitang ito ay "bantayog", "katarungan", "tatsulok", "lathalain" at "banyuhay" na orihinal na gawang pinoy. ang pinakamatagumpay ay ang salitang "balarila" ni Lope K. Santos.
Tinidyo ng mga kaaway ng wika ang mga naturang hilig sa pagtuklas at pagtitiwala sa katutubong wika. Ang pinakamatinding tudyo ay ang ambag ni Senador Francisco Rodrigo ng mga salitang "salumpuwit" at "salunsuso" bilang panumbas s salitang bra at silya. Ang kagandahan lamang, kahit na nagyayabangan ang mga akademista sa pag imbento at panghihiram ng mga salita ay ang taumbayan mismo ang gumagawa ng sarili nilang bersiyon ng wika, at iyon ang nararapat dahil ang essensiya ng wika ay ang pagkakabuklod-buklod ng mamamayang Pilipino.
Simula pa noon, kahit mga maliliit na bata ay nkakapaglikha na ng mga salita na tumutulong sa madaliang komunikasyon sa kanilang paglalaro. Sila ang nakaimbento ng mga salitang "pen-pen de sarapen", at "tong-tong pakitong-kitong" na sila lamang din ang nakakaalam ng ibig sabihin. Gayundin sa mga tin-edyer na lumilikha ng mga salita na nagsisignipika ng pagiging iba nila sa paraan ng pananalita. Ang mga tin-edyer din ang pinagmulan ng bokabularyong binali-baliktad gaya ng "astig"(tigas), "ermat at erpat"(mother and father), at "damatands"(matanda).
Kailangan magkatagpo ang eksperimento sa akademya at ang mlikhaing gawain sa wika ng sambayanan ngunit mangyayari lamang ito kapag natutunan ng mga intelektwal at propesyonal ang wika ng masa. Ibig sabihin, naipaloob ng mga taga-akademya ang kanilang banyagang kaalaman sa daigdig ng karunungan ng karaniwang taumbayan. At magaganap din lamang ang pagtatagpong iyon kung magbabago mismo ang kabuhayan ng taumbayan.
Pagkatapos ng lahat ng nagawa't naimbento, sinabi ni Virgilio S. Almario na nagbabago lamang ang wika alinsunod sa pagbabago sa buhay ng gumagamit nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento